Monday, June 11, 2012

KC Concepcion reveals a non-showbiz guy is making her "kilig" these days

180742-ms_kc_concepcionMay isang lalaking nagpapakilig ngayon sa actress-TV host na si KC Concepcion.

Inamin ito mismo ni KC sa panayam sa kanya ng The Buzz sa story conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Against All Odds.

“Ang pangit namang sabihin na no time for love!” tawa ni KC.

Marami kasing pinagkakaabalahan ngayon ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Bukod sa bago niyang teleserye ay malapit na ring magsimula ang X-Factor Philippines, na siya ang magiging host.

Itinama na lang ni KC ang sinabi at sinabing “no rush for love.”

Dugtong niya, “Meron, pero sabi nga ng iba, ‘Pinapahirapan mo naman masyado.’

“And ano ha, I’m not talking of anyone na kilala n’yo na—non-showbiz siya.”

Pero nilinaw ni KC na kahit napapakilig siya ng non-showbiz suitor niyang ito, hindi pa rin daw siya handang pumasok sa isang relasyon.

“I’m happy,” sambit niya.

“Masarap palang kinikilig ulit kasi I’m excited to fall in love again. Excited ako na ano ulit.

“Pero huwag muna ngayon, huwag muna.

“Kasi ito nga, yung free time ko, ipipikit ko na lang, ipapahinga ko na lang.

“So, unfair din kung magkarelasyon ako ngayon.”

Ang huling naging boyfriend ni KC ay ang matinee idol na si Piolo Pascual.

Source: PEP