On tonight’s episode, nasaksihan natin ang mga tunay na ugali ng mga housemates. Isa sa mga kagulat-gulat na nabitawan na salita sa episode kanina tungkol sa away sa pagkain ay nagmula kay Kit Thompson.
RYAN: Tatawa tawa pa si Myrtle!
KIT: Sipain ko mukha mo dyan e! Sarap suntukin!
Matatandaan din sa mga nakaraang episode this week ang pagkainis ni Kit kay Mariz at sinabi nitong: “Sarap Batuhin ng hollowblocks!”
Ayon na rin sa rule book ng Big Brother, ang pagthreaten sa isang housemate ay isang malaking violation at ang parusa dito ay Forced Eviction. Matatandaan sa ikalawang season ng PBB ay naevict si Maricris dahil na rin sa pagthreaten nito kay Bea.
Ewan ko na lang kung ifoforce evict si Kit knowing na marami na rin issues itong PBB for the sake of keeping their ratings up. I just hope they stick to their own “rule book” this time.
Sobrang kabastusan na ang pinapakita ni Kit at di na magandang ehemplo eto lalo na sa mga kabataang nanonood. Looks can be deceiving ika nga.
Ano sa tingin niyo guys?