Wednesday, January 11, 2012

3 Filipino Actors, confirmed to join cast of ‘Bourne Legacy’

Higit 30 higanteng truck na lumalaman ng mamahaling movie equipment, 400 na miyembro ng production team na puspusang hinahanda ang finishing touches para sa unang bugso ng filming at mahigpit na seguridad sa kahabaan ng Leveriza St. mula Quirino Ave. hanggang San Andres.

Bourne Legacy Rachel Weisz Jeremy Renner

Ito ang mga eksena sa unang araw ng shooting ng “The Bourne Legacy” sa Malate, Manila.

Alas-5 ng umaga, buhay na buhay na ang set para sa fourth installment ng Bourne series.

Sentro ng shoot ngayong araw ang bida na si Rachel Weisz na dumating sa bansa noong Linggo ng gabi.

“A lot of these have a lot to do with the story itself. So just like any other movie, we want to leave that to the suspenseful part,” sabi ng producer na si Jun Juban ng Phil. Film Studios Inc.

Sumabak si Rachel sa ilang eksena na may habulan, kasama ang ilang miyembro ng pulisya at puting aso na si "Gibo."

Mahigpit ang seguridad sa paligid ni Rachel, lalo't abala ang production na walang mag-leak na stunts o detalye ng mga eksena.

Pinagbawal ang cellphones at picture-taking sa location.

Ganun pa man, may mapalad na fan na nakapag-picture sa aktres.

Ayon sa anonymous fan, mabait at friendly si Rachel.

Mahigpit na inutos ang confidentiality sa pelikula pero ayon sa aming source, kumpirmadong kasama sa pelikula ang mga bigating theater artists na sina Lou Veloso, Madeleine Nicholas at John Arcilla.

Source

UPDATE: More Filipino Actors revealed to join cast of ‘Bourne Legacy’