Monday, January 16, 2012

Slater Young, now a member of Team Wayuk!

Kahapon pinapili ni Big Brotherang top 5 members ng Team Wayuk at ang bagong member nila na si Deniesse ng 3 miyembro ng Team High Voltage na gusto nilang makasama sa grupo.

Slater Young

Sila Eting, Carlo at Slater ang napili ng Wayuk. At isa nga tatlong napili nila ang magiging bagong member ng Team Wayuk. Para malaman ay nagkaroon ng challenge si Kuya sa mga babae ng Team HighVoltage.

Kailangan nilang (three girls) i-hold ang dummy ng mga napiling Housemates, bawat isang girl Housemate ay may dummy ng isang housemate na maaaring lumipat. Mayroon silang 3 oras para i-hold ang dummy pero itong si Joya di nakayanan at nabagsak ang dummy ni Slater kaya naman kitang-kita sa mukha ni Tin (hawak niya dummy ni Carlo) ang pagkadismaya.

At dahil sa nangyari si Slater na ang bagong Wayuk member.